Lumang datos, pinagbasehan ng US CDC sa itinaas na travel warning vs Pinas – NTF

Lumang datos, pinagbasehan ng US CDC sa itinaas na travel warning vs Pinas – NTF

February 3, 2022 @ 8:47 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Kumbinsido ang medical adviser ng National Task Force Against COVID-19 na ang kamakailan lamang na abiso mula sa US Centers for Disease Control and Prevention na nagpalabas ng babala laban sa pagbyahe sa Pilipinas ay maitatama kapag natanggap nito ang bagong COVID-19 data ng Pilipinas.

“I’m sure maco-correct nila ‘yan as soon as they get the new data… I’m sure ang binasehan nila diyan ay lumang data natin,” ayon kay Dr. Ted Herbosa sa Laging Handa briefing, nitong Miyerkoles.

Ani Herbosa, tila hindi maalam ang US CDC na ang Pilipinas ay nakapagtala ng 9,000 cases, araw ng Martes at ang alert level at risk classification ay bumaba na sa National Capital Region.

Nitong MIyerkoles din nang ianunsyo ng Department of Health na moderate risk na lang ang Pilipinas sa COVID-19.

Sinabi ng US CDC na ang Pilipinas ay kasama sa listahan ng mahigit 100 bansa sa ilalim ng “Level 4: COVID-19 Very High” category, na ang ibig sabihin ay mayroong mahigit sa 500 cases kada 100,000 residente sa nakalipas na 28 araw. Kris Jose