Lumitaw sa RFID probe: P904M toll fees di nakolekta ng TRB sa toll operators mula 2017 -2019 – Poe

Lumitaw sa RFID probe: P904M toll fees di nakolekta ng TRB sa toll operators mula 2017 -2019 – Poe

December 17, 2020 @ 3:52 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Sa kabila ng kakapusan ng pondo, natuklasan ng Commission on Audit (COA) na umabot sa P904 milyon halaga ng toll fees ang hindi nakokolekta ng Toll Regulatory Board (TRB) sa toll operator mula 2017 hanggang 2019, ayon kay Senador Grace Poe.

Sa ikalawang bahagi ng pagdinig ng Senate committee on public services, sinabi ni Poe hindi makakaligtas ang TRB sa paninisi ng motorista hinggil sa kapalpakan ng pagpalagay  radio frequency identification (RFID) na nagdulot ng buhol-buhol na trapiko sa North Luzon Expressway (NLEX) kamakailan.

“It seems to me that the TRB has been content to do two things and nothing else: raise toll rates and collect fees, ayon kay Poe.

Ngunit, aniya dapat mailantad ang katotohanan dahil nabigo din ang TRB na kolektahin ang toll fees na dapat mapunta sa gobyerno.

“According to the Commission on Audit, the TRB failed to collect toll fees in the amount of P44.24 million in 2017 and P859.94 million in 2019, almost a billion pesos,” giit ni Poe.

Sinabi ni Poe na nagdudusa ang TRB tulad ng  NDRRMC at PhilHealth, mula sa pagkakaroon ng governing board na dominado ng ex-officio Cabinet secretaries na may mas mahalagang gawain kaysa asikasuhin ang Board.

 “The future of the TRB is another issue which must be resolved during this hearing,” ayon kay Poe.

Kasabay nito, tinalakay din ni Poe sa pagdinig ng komite ang ilang resolusyon na tumutukoy sa imbestigasyon hinggil sa pumalpak na mandatory cashless policy sa toll expressway.

“We shall look at the issues surrounding its implementation and explore what can be done to address the complaints and improve the travel experiences of motorists,” aniya.

“We will ask DOTr and its attached agencies three basic questions: (1) What did you do? – your preparation for this transaction; (2) What are you doing now? – the status of the implementation of the cashless toll collection system; and (3) What will you be doing moving forward?,” giit pa ng senador.

Ayon kay Poe, pangkalahatang reklamo ng publiko ay nabulgar sa kawalan ng pananaw sa pagpapatupad ng patakaran at gross mishandling  ng sitwasyon na tumutukoy sa grabe trapiko sa RFID installation sites.

“Essentially, tolled expressways are waiting lines which obey the same universal law: if customers arrive faster than the rate at which they can be served, then the whole line will bog down. This is exactly what happened on NLEX,” ayon kay Poe.

Sa supply side, sinabi ni poe na umabot lamangs a 25 hanggang 30 porsiyento ng NLEX travellers ang gumagamit ng RFID noong 2019.

“ This is quite low compared to the usage rates of contactless toll systems in Asia: 90 percent in Japan, 75 percent in Taiwan, and 74.2 percent in South Korea. This ensured that there would be a sudden surge in the number of RFID users which should have been handled. Sa kabuuan, may tatlong milyong sasakyan sa NCR ang walang RFID bago pinairal ang cashless system,” paliwanag ni Poe.

Sa service side, iginiit pa ni Poe na  matagal nang marami ang mga reklamo tungkol sa unreliability ng NLEX toll gates, pero mukhang walang ginawa ang concessionaire.

“For example, here is an opinion column from 2018: “The electronic toll gates of NLEX and lately SCTEX suffers from frequent slow or misreading at toll gates.”Minsan daw, mas mabilis pa sa cash lanes. Tandaan po natin, 2018 pa po ito,” aniya.

“Ito naman ang mga comment mula sa social media noong 2019 pa lang: “Ang bagal o ang hina ng mga sensor ng RFID ng NLEX. Every time ginagamit, need pang itutok at minsan aatras ka at aabante several times para lang ma-detect ito.” I, myself have experienced that.,” dagdag ng senador.

Sinabi ni Poe na kung nagawan o nalutas ang maliit na problema noong 2019, sana hindi naging malaking problema ito ngayon 2020   dahil nagpatupad nang polisiya habang hindi pa handa ang sistema.

 “The backlash in this implementation of the electronic toll collection system reminded those in public service about the importance of careful planning and thorough preparation. It also exposed the tendency of some government agencies to yield to what seems like “trial and error” when it comes to implementing new policies,” aniya.

Ayon sa senador, may ilang patakaran na dapat maitupad kaagad partikular sa panahon ng pandemya. “However, requiring a shift to 100 percent cashless toll collection system in a matter of three or four months seems a little hasty and unrealistic. “

“Hindi naman tama na sa pagmamadali natin, kapakanan ng ating mga kababayang motorista ang masasakripisyo. We have seen this before. Magmamadali mag-implement ng bagong polisiya, tapos ititigil kapag maraming nagreklamo,” giit ng senador. Ernie Reyes


  •  
  •  
  •