Lumolobong kaso ng cholera, thypoid fever, rotavirus nilinaw ng DOH

Lumolobong kaso ng cholera, thypoid fever, rotavirus nilinaw ng DOH

August 26, 2022 @ 4:42 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines-Ipinaliwanag ng Department of Health (DOH) ang dahilan kung bakit tumataas ang kaso ngayon ng Cholera, thypoid fever at rotavirus sa bansa.

Sinabi ni DOH officer-in-charge Usec Maria Rosario sa press briefing na ito ay kapag nagkakaroon ng season o tag-ulan.

“Sabi nga natin ang wild diseases ay tumataas ang cholera, rotavirus and typhoid fever maybe transmitted through food and water bourne transmission kaya kasama siya sa mga tumataas,” ani Vergeire.

Pero aniya kapag tiningnan ang mga kaso, mula Enero 1 hanggang Agosto 6, ay mayroong 2,650 na iniulat na cholera cases. Ito ay 230 percent na mas mataas kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Gayunman, kapag tinignan naman aniya nitong nagdaang tatlo o apat na linggo, bumaba na ito sa 18 percent kumpara sa kaparehong panahon noong 2021.

“So we have reported 141 cases for this past three to four weeks” ayon kay Vergeire.

Para sa thypoid, mayroon pinagsama-samang 7, 681 na kaso mula Enero hanggang Agosto na 109 percent na mas mataas kumpara sa kaparehong panahon noong 2021.

Sa nagdaang tatlong linggo, 12 percent lower na ito kumpara sa nasabing panahon noong nakaraang taon

“Kapag tinignan natin itong mga kasong na ito during the start of the rainy season, nagpi-peak sila kasi eventually pababa na rin sila ng pababa just like with dengue ” sabi pa ni Vergeire.

Ito aniya ay dahil na rin sa rainy season at disruption ng water services. Jocelyn Tabangcura-Domenden