Lumpiang Shanghai ‘2nd best street food’ sa buong mundo!

Lumpiang Shanghai ‘2nd best street food’ sa buong mundo!

September 30, 2022 @ 10:46 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Hindi lang sa lamesa at eskinita ng mga Pilipino bumida ang pinakakaabangan at nilalantakang lumpiang shanghai kundi pa ri na rin sa buong mundo matapos na kilalanin bilang ikalawang pinakamasarap na street food sa buong mundo.

Sa isang post sa social media, inihayag ng Taste Atlas ang 50 Best Street Foods sa buong mundo noong Setyembre 2022, kung saan nakakuha ang lumpiang shanghai ng 4.9 na rating mula sa audience ng travel guide.

Isang crispy deep-fried Filipino snack na nag-evolve mula sa Chinese spring rolls, ang shanghai ang pinakasikat na iba’t ibang lumpia, ayon sa Taste Atlas.

“Even though lumpia appears in numerous variations, the Shanghai version is characterized by a savory filling which combines ground pork or beef with carrots, onions, various seasonings, and (occasionally) shrimps,” saad ng Taste Atlas.

Ang Lumpiang shanghai ay karaniwang ibinebenta sa mga street stall sa buong bansa at inihahain din sa mga espesyal na okasyon, na may matamis at maasim na sarsa.

Ang pinakamahusay na lumpiang shanghai ay matatagpuan sa The Aristocrat Restaurant sa Malate, Manila, base sa rekomendasyon ng Taste Atlas.

Ang pinakamahusay na shanghai sa listahan ay ang Roti canai, “isang tradisyonal na Malaysian pan-fried flatbread na gawa sa harina, tubig, itlog at taba.”

Samantala, niraranggo din ng Taste Atlas ang pagkaing Filipino bilang ika-19 na pinakamahusay na lutuin sa mundo noong unang bahagi ng Hunyo. RNT