Lunar eclipse ‘di makikita dahil sa Habagat

Lunar eclipse ‘di makikita dahil sa Habagat

July 26, 2018 @ 4:05 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Malabong makita ang total lunar eclipse ngayong Sabado dahil posibleng muling lalakas ang Hanging Habagat dahil sa bagyong Jongdari.

Ayon sa PAGASA, nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang super bagyong Jongdari (international name)  pero hinihila nito ang Habagat na magpapaulan.

Inaasahan ang eclipse alas-1:13 ng madaling araw sa Sabado at magtatapos ganap na alas-7:30 ng umaga.

Ayon sa PAGASA, mas ligtas panoorin ang lunar eclipse kaysa solar eclipse dahil repleksiyon lamang ng liwanag sa buwan ang makikita at hindi ang direktang liwanag na nakasisira ng mata.

Asahan ang maulang weekend.  (Nenet L. Villafania)