LUNAS boses ng LGUs sa Kongreso

LUNAS boses ng LGUs sa Kongreso

January 4, 2022 @ 12:36 PM 7 months ago


Manila, Philippines-Hangad ng Lungsod Asenso, Inc o LUNAS Party-list na maging boses sa Kongreso ng iba’t ibang sektor, lalo na ng mga local government unit kaya’t kabilang ito sa mga naghain ng certificate of candidacy sa hanay ng mga party-list sa Commission on Election para sa Halalang 2022.

Ayon kay Bryan Yamsuan, first nominee ng LUNAS, layunin ng kanilang party-list natiyaking mapopondohan at palalawigin ang magagandang programa ng bawat siyudad, probinsya, munisipyo at mga barangay.

Bukod dito, ipinahayag din ni Yamsuan ang pagpupursige ng grupo para sa mga bagong batas na makatutulong sa bawat mamamayan.

Nais din nito matulungan partikular na ang mga magsasaka at mangingisda sa mga kanayunan.

Asahan umano ang kanilang tuloy-tuloy na serbisyo publiko saan mang panig ng bansa.

Idinagdag pa nito na nasubukan na ang katatagan ng mga Pinoy sa panahon ng krisis at napatunayan na kayang malagpasan ang mga pagsubok at makahanap ng LUNAS sa maraming problemang dumarating. RNT