‘Lunch date’ nina Pacman at Yassi, ginawan ng isyu!

‘Lunch date’ nina Pacman at Yassi, ginawan ng isyu!

July 10, 2021 @ 2:26 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Wala na talagang tatalo sa maraming Pinoy sa pagiging malikot ang isip.

Naglipana kasi sa social media ang mga litrato nina Senator Manny Pacquiao at Yassi Pressman, kuha ‘yon sa bahay ng boksingerong pulitiko sa Los Angeles, California.

Nasa LA si Pacman dahil sa kanyang pagsasanay sa nalalapit niyang laban habang nagbabakasyon naman doon si Yassi.

May lunch treat si Pacman kay Yassi na na-miss daw nitong kainin: adobo at tilapia.

Pero sukat ba namang umandar ang pagkamalikot ng isip ng ilang netizen. Anila, “Jinkee left the earth.”

Na ang ibig sabihi’y lumayas daw ang kabiyak ni Manny dahil nagselos ito.

Asahang mas titindi pa ang pagkakaugnay ni Pacman kay Yassi lalo’t malapit na ang 2022 elections.

Alam naman ng lahat ang mga galawan sa pulitika kung saan umiiral ang brutal na siraan. Ronnie Carrasco III