Lungsod ng Maynila pinuri ng DOH sa maagap na pagtugon vs COVID

Lungsod ng Maynila pinuri ng DOH sa maagap na pagtugon vs COVID

January 2, 2022 @ 12:12 PM 8 months ago


MANILA, Philippines- Pinuri ng Department of Health(DOH) ang pamahalaang lungsod ng Maynila dahil sa maagap na pagtugon nito kaugnay sa pagtaas ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa lungsod, kung saan pansamantalang isinara ang Justice Jose Abad Santos General Hospital.

Ayon sa DOH, ang ginawa ng Manila City Health Office ay naaayon sa protocol ng gobyerno.

Una nang nilinaw ni Dr. Pangan, City Health Officer of City of Manila sa DOH na ang pagsasara  sa naturang ospital ay upang bigyan ng panahon ang paglilipat ng mild cases sa kalapit na isolation facility.

Gayunman, sinabi ni Pangan na magbubukas din ang ospital ngayong araw.

“Dr. Pangan, City Health Officer of City of Manila clarified to the Dept of Health earlier this morning that the Justice Jose Abad Santos General Hospital in Binondo, Manila will open within the day. They just need time to move mild cases to nearby isolation facility,” aniya.

“The DOH lauds this quick response by the Manila CHO, which is consistent with our protocols,” ayon sa DOH sa media Viber group. Jocelyn Tabangcura-Domenden