Lupang dinemolisyon sa Maragondon, Cavite ‘di pagmamay-ari ng SM

Lupang dinemolisyon sa Maragondon, Cavite ‘di pagmamay-ari ng SM

January 15, 2022 @ 9:40 AM 7 months ago


Manila, Philippines – Itinanggi ng Sy-led conglomerate na SM Investments Corp. (SMIC) na pagmamay-ari nila ang lupang inatasang idemolisyon sa Maragondon, Cavite.

 “It has never had any ownership of nor is it in any acquisition talks with the subject property in Barangay Patungan, Maragondon, Cavite,” saad ng SMIC.

“The area of the demolition incident that happened last January 13, 2022 is not a property of SM.”

Sinabi ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) na ang fishing community sa Maragondon ay ibinenta sa Maria-Teresa Virata Realty Corp., subsidiary ng  SMIC.

Sa ulat ng Cavite Philippine National Police (PNP), ang naturang lupa na pasok sa Writ of Demolition na iniatas ng Naic Regional Trial Court ay binubuo ng apat hanggang limang hektarya sa Brgy. Patungan.

Apektado rito ang 400 bahay, 600 pamilya, 2000 indibidwal, 289 cottage, 44 island hopping boats, at 105 fishing boat.

Sinabi ni Cavite PNP na nakapangalan ang lupa sa MTV Investment Properties Holding Corp. o dating MTV Realty Corp.

Nanawagan din ang Pamalakaya sa Commission on Human Rights (CHR) na imbestigahan ang naganap na umano’y marahas na demolisyon na ikinasugat ng ilang residente.

Habang sugatan naman dito ang limang PNP personnel at tatlong sibilyan na bahagi ng demolition team.

Idineploy rin dito ang 296 Cavite PNP personnel; walong PNP Maritime; dalawang Highway Patrol Group; anim na Coast Guard; 30 galinh Philippine Marine Corps; at pitong galing sa Bureau of Fire Protection. RNT/FGDC