Luxury vehicle na may PNP logo ‘di police car – spox

Luxury vehicle na may PNP logo ‘di police car – spox

November 14, 2022 @ 11:10 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines-  Hindi rehistradong sasakyan ng Philippine National Police (PNP) ang Toyota Alphard na may nakadikit na logo nito, ayon sa tagapagsalita nitong Lunes.

“Base po sa datos at record ng PNP Logistics Support Service ay wala pong issued na vehicle ang PNP na Alphard. (Kahit isa) wala po,” paglilinaw ni PCol. Jean Fajardo, tagapagsalita ng national police force.\

Unang inibahagu sa isang Facebook page na VISOR ang mga larawan ang luxury vehicle na mayroong PNP markings, na agad na nag-viral.

Base sa Toyota website, ang isang Alphard 3.5 L ay may manufacturer’s suggested retail price (MSRP) na ₱ 4,175,000.

Sinabi ni Fajardo na mag-iistu ang PNP Highway Patrol Group ng ulat ukol sa isidente matapos makipag-ugnayan ng mga pulis sa VISOR upang alamin ang plate number at conduction sticker ng nasabing sasakyan.

Inihayag niya na maaaring maharao sa administrative at criminal charges ang may-ari ng sasakyan sa hindi awtorisadong paggamit ng PNP insignia. RNT/SA