Luy, ikinanta ang pagpapadala ng pera ni Napoles sa US

Luy, ikinanta ang pagpapadala ng pera ni Napoles sa US

August 2, 2018 @ 6:33 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Inamin ni whistleblower Benhur Luy na siya ang nagpapadala ng pera mula sa pork barrel sa US accounts noon ni Janet Lim Napoles.

Ayon kay Luy, ilan sa mga Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng mga opisyal ay napupunta sa implementasyon ng mga bogus project habang ang iba ay dumidiretso na sa account sa ibang bansa.

“Pinapa-telegraphic po namin sa US sa kanyang accounts,” testimonya ni Luy sa pagdinig ng kasong graft ni dating Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. sa Sandiganbayan First Division.

Noon Miyerkules ay kinasuhan ng US federal grand jury si Napoles at limang iba pa ng money laundering dahil umano sa pagpuslit ng $20 million halaga ng kaban ng bayan sa kanilang bansa.

Bukod kay Napoles, kinasuhan din ang mga anak nito na sina Jo Christine, James Christopher at Jeane Catherine kasama na rin ang kapatid nito na si Reynald Luy Lim at misis na si Ana Marie.

Sa ngayon ay nakakulong si Napoles sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City habang no comment pa ang kampo ni Luy kung papaya silang maging state witness sa korte ng US.

Samantala, nakahanda ang Department of Justice (DOJ) na bigyan ng seguridad si Luy sakaling tumestigo ito sa US. (Remate News Team)