Luzon grid naka-yellow alert – NGCP

Luzon grid naka-yellow alert – NGCP

December 5, 2022 @ 2:31 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inilagay ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon power grid sa yellow alert nitong Lunes, Disyembre 5.

Ito ay matapos ang nangyaring forced outage sa apat na planta ng kuryente.

Sa abiso, sinabi ng NGCP na ang Luzon grid ay nasa yellow alert simula alas-1 ng hapon hanggang alas-4 ng hapon at alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Nangangahulugan ito na manipis ang suplay ng kuryente na nakabatay na rin sa supply at demand dito.

“Four power plants are on forced outage, while three others are running on derated capacities, for a total of 2,080 MW unavailable to the grid,” ayon sa anunsyo ng NGCP.

Ang Luzon grid ay may available capacity na 11,572 MW laban sa pangangailangan nito na 10,548 MW. RNT/JGC