Luzon Grid nasa Yellow Alert status – NGCP

Luzon Grid nasa Yellow Alert status – NGCP

July 13, 2021 @ 12:37 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Itinaas sa Yellow Alert status ang Luzon Grid umaga at tanghali ng Martes, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Sa abiso ng NGCP, mula 10:00 ng umaga hanggang 11:00 ng umaga at mula 12:00 ng tanghali hanggang 2:00 ng hapon nasa Yellow Alert ang Luzon grid.

Ito ay dahil sa manipis na suplay ng kuryente batay sa suplay at demand.

May available capacity na 11,067 megawatts habang ang 10,924MW operating requirement kaya’t kulang ng 143MW ang suplay. RNT/ELM