Luzon power grid handa kay Paeng

Luzon power grid handa kay Paeng

October 28, 2022 @ 8:15 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Siniguro ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP)  na nakahanda na ang Luzon power grid system para sa Tropical Storm Paeng, na inaasahang tatama sa isla bilang bagyo ngayong weekend.

Bilang bahagi ng paghahanda, sususpindihin ng grid operator ang lahat ng nakatakdang maintenance at construction activities, sabi ni NGCP Engineering Project Management Department head Giovanni Randy Galang sa isang virtual press briefing.

Ilalagay din ng NGCP ang mga quick response team sa mga lugar kung saan inaasahang magla-landfall si Paeng.

Samantala, sinabi ni Energy Undersecretary Felix Fuentebella na ang Department of Energy ay gumagawa ng mga kinakailangang paghahanda at pakikipag-ugnayan sa downstream oil industry gayundin sa mga stakeholders sa power sector tatlong araw bago ang inaasahang pag-landfall ng Paeng sa Oktubre 30. RNT