Luzon ‘red alert’ pwedeng magpatuloy hanggang sa susunod na linggo 

Luzon ‘red alert’ pwedeng magpatuloy hanggang sa susunod na linggo 

June 4, 2021 @ 3:29 PM 2 years ago


Manila, Philippines — Maaaring manatili ang “red alert” power status sa Luzon hanggang sa susunod na linggo ngunit hindi na kakailanganing magpatupad ng rotational brownouts, batay sa Department of Energy (DOE).

Sa pagdinig ng House committee on energy tungkol sa usapin ng rotational brownouts sa Luzon, sinabi ni DOE Director of Electric Power Industry Management Bureau (EPIMB) Mario Marasigan na aabutin pa sa susunod na linggo ang“red alert” power status sa Luzon kung hindi pa maaayos ang planta.

“Ano naman yung ating nakikita for the next weeks? Yung end of this week hanggang next week, nakikita na kung walang makakapasok na planta, below the red line pa rin tayo,” lahad pa ni Marasigan.

“So kulang pa rin yung ating regulating reserves, magkakaroon pa rin tayo ng red alert.”

Umaasa rin ito na magiging  “yellow alert” na sa susunod pang linggo.

“Hopefully pagpasok ng mga susunod na linggo, up to July 1, magkaroon na tayo ng mga planta na papasok at bababa na rin ang ating konsumo kung kaya’t matatawid natin yung red alert.”

“Hindi na tayo magkakaroon ng rotational brownout pero nasa yellow alert pa rin tayo,” lahad nito. RNT/FGDC