Lyceum nagka-bonus, Benilde sinibak sa Final 4

Lyceum nagka-bonus, Benilde sinibak sa Final 4

October 11, 2018 @ 6:17 PM 4 years ago


 

NCAA – Markado na ng Lyceum of the Philippines University ang kanilang twice-to-beat advantage sa Final 4 ng NCAA Season 94.

Ito’y matapos na sibakin ng LPU ang De La Salle-College of St. Benilde (CSB), sa iskor na 77-64, sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Tinapos ng Pirates ang pag-asa ng Blazers nang manambang si CJ Perez sa 17 points, 10 rebounds at 4 steals.

Pero mas biniliban ang veteran point guard na si Reymar Caduyac na nakagawa ng 10 puntos sa huling dalawang minute para sa mas malaking lamang.

“I’m so happy with how our team responded to the challenge,” pahayag ni Lyceum coach Topex Robinson. “We know that it’s gonna be tough from here on. We’re so locked in on what we prepared for, and we never abandoned what was important to us.”

Bigo namang mabitbit sa Final 4 ng rookie na si Justin Gutang ang Blazers sa kanyang 13 points at 7 rebound.  (Remate News Team)

Scoreboard:

Lyceum 77 – Perez 17, Nzeusseu 13, Caduyac 10, Ayaay 10, Tangsingco 8, Marcelino JV 6, Yong 4, Pretta 3, Marcelino JC 2, Ibanez 2, Santos 2, Valdez 0

CSB 64 – Gutang 13, Leutcheu 11, Carlos 11, Dixon 8, Haruna 8, Naboa 7, Nayve 5, Pasturan 1, Belgica 0, Young 0

Quarter scores: 26-17, 37-35, 62-53, 77-64