M-5.3 na lindol umuga sa Leyte

M-5.3 na lindol umuga sa Leyte

March 21, 2022 @ 7:25 AM 3 months ago


MANILA, Philippines – Ginising ng magnitude 5.3 na lindol ang mga residente ng Burauen, Leyte, Lunes ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Tectonic ang pinagmulan ng nasabing lindol na tumama bandang t12:39 a.m.

Naitala ang sentro nito sa 10.93°N, 124.81°E – 010 km S 58° W ng munisipalidad ng Burauen.

May lalim ang lindol ng apat na kilometro.

Naramdaman ang mga pagyanig sa mga sumusunod na lugar:

Intensity V sa Burauen, Ormoc City, Kananga, La Paz, Julita, at Pastrana sa Leyte.

Intensity IV sa Dulag, Santa Fe, Barugo, Abuyog, Palo, Tolosa, Capoocan and Baybay City in Leyte; at sa Tacloban City.

Intensity III sa Cebu City and Talisay City in Cebu; Lawaan, Eastern Samar; Leyte, Leyte; at Biliran, Biliran

Intensity II sa Borongan City and Taft sa Eastern Samar; at Naval, Biliran. RNT