M-5.6 na lindol yumanig sa Surigao del Sur

M-5.6 na lindol yumanig sa Surigao del Sur

April 4, 2022 @ 6:30 AM 3 months ago


MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang Bayabas, Surigao del Sur noong Linggo ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Tectonic naman ang sinasabing dahilan ng pagyanig kung saan naganap ito alas-6:24 ng Linggo ng gabi. Ito ay orihinal na naiulat na may magnitude na 6.1, bago ito ibinaba ng Phivolcs sa magnitude 5.4 at pagkatapos ay na-adjust sa 5.6 magnitude.

Naitala ang epicenter nito sa 09.16°N, 126.87°E – 067 km N 72°E ng Bayabas sa Surigao del Sur.

Ang lindol ay may lalim na 2 kilometro.

Naramdaman ang Intensity IV sa Bayabas, Cantilan, Carmen at Tandag City, at Surigao del Sur.

Intensity III ang naramdaman sa Lungsod ng Bislig, Marihatag, Carrascal at Lanuza, Surigao del Sur; at ang Lungsod ng Bayugan, Rosario at San Agustin sa Agusan Del Sur.

Sinabi ng PHIVOLCS na walang inaasahang pinsala ngunit maaaring magkaroon ng aftershocks. RNT