M-6.8 na lindol yumanig sa Tajikistan

M-6.8 na lindol yumanig sa Tajikistan

February 23, 2023 @ 12:09 PM 1 month ago


DUNSHABE, Tajikistan — Niyanig ng 6.8-magnitude na lindol ang silangang Tajikistan ngayong Huwebes, base sa US Geological Survey.

Ang lindol ay tumama bandang 5:37 a.m. local time (8:37 a.m. sa Manila) sa lalim na humigit-kumulang 20.5 kilometro.

Tinataya ng USGS na “kaunti o walang populasyon” ang naapektuhan ng pagguho ng lupa mula sa lindol.

Naitala ang epicenter ng lindol sa Gorno-Badakhshan, isang semi-autonomous eastern region na nasa hangganan ng Afghanistan at China.

Sinundan naman ang lindol ng 5.0-magnitude na aftershock mga 20 minuto matapos ang unang pagyanig. RNT