M6.2 lindol yumanig sa Davao Occ

M6.2 lindol yumanig sa Davao Occ

July 10, 2021 @ 10:40 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Niyanig ng magnitude 6.2 lindol ang Sarangani sa Davao Occidental ngayong Sabado ng umaga, batay sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Nauna itong maitala ng pamunuan na magnitude 6.0 bandang 8:43 a.m.

Natukoy ang episentro nito sa 02.40°N, 126.83°E – 368 km S 25° E ng Sarangani. At may lalim na 41 km.

Habang ang pangalawang lindol naman ay may lalim na  97 km.

Natukoy rin ang episentro nito sa 02.89°N, 126.51°E – 304 km S 23° E ng Sarangani. RNT/FGDC