M6.8 lindol yumanig sa Indonesia

M6.8 lindol yumanig sa Indonesia

February 24, 2023 @ 2:31 PM 1 month ago


INDONESIA – Niyanig ng 6.8-magnitude na lindol ang eastern province ng Indonesia na North Maluku nitong Biyernes ng umaga, Pebrero 24.

Sa kabila nito, wala namang naitalang pinsala o nasawi sa nangyaring pagyanig.

Sa ulat, tumama ang lindol 3:02 ng madaling araw nitong Biyernes kung saan ang epicenter ay naitala 133 kilometro hilagang-kanluran ng
Morotai Island district at may lalim ito na 112 kilometro sa ilalim ng seabed.

Hindi naman inaasahang magdudulot ng tsunami ang nangyaring lindol, ayon sa meteorology, climatology and geophysics agency ng Indonesia.

Naramdaman naman sa kalapit na probinsya ng North Sulawesi ang nangyaring lindol.

“There are no initial reports of damages or casualties after the earthquake,” ayon sa tapagsalita ng geophysics agency ng nasabing bansa.

“The residents in the Morotai Island district felt the tremors, but they were not panic,” sinabi naman ni Yusri A Kasim, pinuno ng emergency unit ng disaster agency sa North Maluku province. RNT/JGC