Maagang konklusyon ng S. China Sea Code of Conduct inihirit ni PBBM

Maagang konklusyon ng S. China Sea Code of Conduct inihirit ni PBBM

November 12, 2022 @ 9:28 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Itinutulak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang maagang konklusyon ng Code of Conduct (COC) sa South China Sea base sa international law.

Sa kanyang naging interbensyon sa 25th ASEAN-China Summit, sinabi ni Pangulong Marcos na ang agarang konklusyon ng COC ay magiging mas “relevant” habang ang bansa ay magdiriwang ng 40 at 20 taon ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC).

Ayon kay Pangulong Marcos, mahalaga na nagpapatulong ang UNCLOS bilang universal framework sa mga karagatan at sea activities.

“It shall be an example of how states manage their differences: through reason and through right. I, therefore, welcome the progress on textual negotiations on the COC this past year and hopefully an approved code of conduct in the very near future,” ayon kay Pangulong Marcos.

Buwan ng Oktubre, sinabi ni Secretary General Dato Paduka Lim Jock Hoi na ang ASEAN at China ay nagtutulungan para sa second draft ng Code of Conduct sa South China Sea.

Sinabi ni Lim, sa kabila ng mga hamon, kabilang na ang mga delay dahil sa COVID-19 pandemic, “ASEAN member-states and also China have exerted effort to resume the negotiation on COC and maintain the momentum of work including utilizing virtual platform, video conference.”

Sa kanya namang opening remarks, binigyang-diin ni Chinese Premier Li Keqiang na kapwa pinanindigan ng China at ASEAN countries ang peace at stability sa South China Sea.

Sinabi nito, ginagalang ng China ang international law sa pagharap sa mga bagay na may kinalaman sa South China Sea.

“This year celebrates the 25th anniversary of the DOC. We mark this special occasion because the DOC has played an important and indispensable role in promoting peace in the South China Sea. And this represents the very principle that we shall keep to a making and realizing long term peace in the South China Sea. We are also conducting COC consultations,” ayon kay Keqiang.

“In this process, we take into account interests of all parties. We respect international law including the UNCLOS, we support the efforts to properly address matters related to the South China Sea in keeping with international law, including UNCLOS and also the DOC,” dagdag na pahayag nito.

Ang South China Sea ay “vital sea lane where oil and natural gas have been discovered in several areas.”

Nagkaroon ng komprontasyon sa nakalipas sa pagitan ng China, at mga ASEAN members gaya ng Pilioinas, Vietnam, Malaysia, at Brunei. Kris Jose