Maagang paghahain ng COC para sa BSKE, pinalagan ng solon

Maagang paghahain ng COC para sa BSKE, pinalagan ng solon

March 2, 2023 @ 7:20 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Tinutulan ng isang kongresista ang maagang panahon ng paghahain ng certificate of candidacy para sa mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa darating na Hulyo 3-7 ng taong ito na itinakda ng Commission on Election (Comelec).

Naalarma si Parañaque City Rep. Gus Tambunting sa panukalang ito ng Comelec dahil ang mahabang panahon aniya na itinakda para sa paghahain ng maagang COC ay siyang ugat ng pagtaas ng mga kaso ng Election Related Violence (ERVs).

“The prolonged political season will pose a threat to the peace and order in barangays. As tensions tend to run high during elections, the longer period of campaigning may result in more heated exchanges and possible violent incidents,” ani Tambunting.

Tutol ang mambabatas dahil sa pagpapahaba aniya ang election period ay hindi malayong makompromiso ang kapayaan bago at sa panahon ng eleksyon.

Makalalamang din aniya sa sistemang ito ang mga kandidatong may sapat na pondo o resources dahil nakapagtatayo ang mga ito ng sapat na networks samantalang kulelat naman at dehado ang mga kandidatong kapos sa pondo.

“The longer period of political activity can also lead to an increase in the number of election-related offenses, further compromising the safety and security of our communities.”

Hindi rin aniyang makabubuti ang mahabang election period sa mas maagang paghahain ng COC dahil manghihinawa ang botante gayong sa Oktubre 30 pa ang eleksyon.

“While Comelec claims that there will be no campaigning between July to October, the implementation of such a ban is unrealistic given the number of barangays and candidates involved. It will be challenging to enforce this rule, and it may result in candidates trying to find loopholes to circumvent the prohibition,” ayon kay Tambunting.

Dahil dito, nanawagan si Tambunting sa Comelec na ikonsidera ang planong ito at sa halip ay panatilihin aniya ang orihinal na iskedyul sa COC filing para sa BSKE.

“I urge the Commission to prioritize the safety and integrity of the electoral process and to consider the welfare of the voters and the candidates.We encourage our fellow citizens to remain vigilant and to participate actively in the upcoming elections. Let us make our voices heard and exercise our right to vote wisely,” giit ng mambabatas.

Batay sa walong-pahinang Resolution 10899 ng Comelec na inilabas noong Pebrero 22, ang election period ay mula Hulyo 2 hanggang Nobyembre 14, 2023 habang ang campaign period ay mula Oktubre 19 hanggang 28. Meliza Maluntag