Maagang senyales ng COVID surge nakikita na, pagbabakuna paspasan – IATF adviser

Maagang senyales ng COVID surge nakikita na, pagbabakuna paspasan – IATF adviser

May 30, 2022 @ 10:30 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Dapat na makahabol ang Pilipinas sa COVID-19 vaccinations sa gitna ng maagang senyales ng panibagong pagsirit sa kaso ng virusm ayon sa isang miyembro ng inter-agency task force technical working group nitong Lunes.

“If we look back longer to let’s say, February, the end of the omicron wave, we had decreasing cases. The increasing number of cases in the past month is worrying because it is showing that more transmission is taking place,” ani Dr. John Wong, founder ng Epimetrics at miyembro ng IATF technical working group for data analytics.

Iginiit niya na ang kasalukuyang bilang ng kaso ng COVID-19 ay hindi napagtutuunan ng pansin sapagkat ilang indibidwal ang nagsasagawa ng home antigen tests subalit hindi iniuulat ang resulta habang ang iba naman na may mild COVID symptoms ay hindi na nagte-test.

Nakapagtala sa Pilipinas ng 200 bagong kaso ng COVID-19 nitong Linggo dahilan para pumalo ang bilang ng aktibong kaso sa 2,434. 

Inanunsyo rin kamakailan ng DOH ang nadiskubreng kaso ng BA.4 subvariant sa isang Pilipino na nagtungo sa Middle East nitong Mayo.

“What do we need to do? For government, we need to speed up pace of vaccination. Since February, we’ve only increased by 6 percent the vaccination rate. Only about 20 percent of eligible adults have boosters and only 10 percent of children have had their vaccinations,” giit ni Wong. RNT/SA