Maaliwalas na panahon, asahan ngayong araw – PAGASA

Maaliwalas na panahon, asahan ngayong araw – PAGASA

October 2, 2022 @ 7:30 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Magkakaroon ng magandang panahon ang bansa ngayong Linggo, Oktubre 2 ayon sa PAGASA.

“Dito sa Luzon asahan pa rin natin ang magandang panahon, mainit at maalinsangan tuwing umaga hanggang tanghali pero pagdating ng hapon tumataas ang tiyansa ng thunderstorms,” ayon kay PAGASA weather specialist Veronica Torres.

Maayos na panahon din ang inaasahan sa Visayas at Mindanao maliban sa mataas na tsansa ng pag-ulan sa hapon o gabi dulot ng localized thunderstorm.

Sa kabila nito, wala naman namataan na low pressure area o namumuong bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Wala rin nakataas na gale warning sa anumang bahagi ng bansa.

Maglalaro naman sa 24 to 31 degrees Celsius ang temperatura sa Metro Manila, 15 to 25 degrees Celsius sa Baguio City, 25 to 31 degrees Celsius sa Cebu at Davao. RNT/JGC