Maanomalyang 10% cut ng ahente sa pautang, tatalupan ng Landbank

Maanomalyang 10% cut ng ahente sa pautang, tatalupan ng Landbank

April 5, 2022 @ 7:40 AM 3 months ago


MANILA, Philippines – Naglabas ng pahayag ang Land Bank of the Philippines ukol sa isiniwalat ng isang mambabatas ukol sa umano’y maanomalyang milyong pautang ng nasabing bangko.

Nitong Lunes lang nang pinaiimbestigahan ni ACT-CIS Partylist Rep. Rowena Niña Taduran ang ulat ng ilegal na pagkita ng ilang taga-loob ng Landbank of the Philippines o LBP na nagsisilbing “ahente” sa mga aplikasyon para sa pautang.

Ayon sa mambabatas na kabilang sa modus ng ilang ahente ng bangko ay ang pangangakong mapapabilis ang pag-apruba ng utang, kapalit umano ng sampung porsiyentong subi o “cut” ng ahente.

Giit ng LANDBANK na nagsasagawa na sila ng mabusising imbestigasyon ukol sa alegasyon.

“The Land Bank of the Philippines (LANDBANK) is conducting an investigation on the alleged loan scheme raised by the president of the American Boulevard Trading Corporation (American Boulevard),” pauna ng bangko.

Ang nabanggit na indbidwal ay tinukoy ni Taduran na si Alberto Chin, Presidente ng American Boulevard, na umanoy biktima na nag-apply sa Landbank para makautang ng P50 milyon.

Batay sa mga impormasyng nakalap ng tanggapan ni Taduran ay napag-alaman niyang malaking bahagi ng utang ni Ching ang hindi nailabas dahil sa sampung porsiyentong “cut” ng ilang mga tauhan ng LBP.

“The borrower was given all sorts of excuses and was coaxed by the ‘agents’ to apply for another P50 million loan. Still, the release of the loan proceeds was delayed and incomplete,” sinabi ni Taduran sa kaniyang inihain na House Resolution No. 2543 noong Marso 30 , 2022 Kamara.

Pagsisiguro naman ng bangko na nagpapatupad sila ng mahigpit na proseso sa pagpapautan.

“The Bank exercises stringent vetting processes in granting and implementing loans, based on its existing policies and all other pertinent banking rules and regulations.”

Ipinangako naman ng bangko na hindi nila pinapayagan ang ganitong madayang kagawin sa kanilang serbisyo.

“LANDBANK also maintains high ethical standards in the workplace and takes any violation by its employees very seriously.”

The Bank assures the public that it will not tolerate fraudulent practices opposite to its brand of public service for over 58 years, anchored on integrity, transparency, and accountability.” RNT