Maanomalyang pagbili ng firetruck ng BFP pinaiimbestigahan

Maanomalyang pagbili ng firetruck ng BFP pinaiimbestigahan

December 21, 2022 @ 4:10 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Hiniling ng Makabayan Bloc sa House Committee on Good Government and Public Accountability na maimbestigahan ang kuwestiyunableng bidding process sa pagbili ng firetruck ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Sa House Resolution No 10 na inihain ng Makabayan Bloc ipinunto nito na nagpatupad ng limitasyon ang BFP sa kung sino lamang ang maaaring makasali sa bidding kaya ang naging resulta ay dalawang kumpanya lamang ang nakalahok.

“Among the restrictions imposed by BFP is limiting the qualified bidders to those that had been engaged in the manufacture or assembly of fire trucks and/or rescue truck vehicles for at least 15 years in the Philippines prior to the opening of the bids, the restrictive procurement process practically gives undue advantage to only two joint venture entities: JROG MARKETING (JROG) which carries the Isuzu brand of engine, cab and chassis and F. CURA INDUSTRIES (CURA), which carry the Hino brand engine, cab and chassis,” paliwanag ng Makabayan Bloc.

Sinabi ni Bernard Dy, Pagulo ng Panpisco Technologies na dahil sa limitasyon na ipinatupad sa bidding process ay nalabag ang procurement law dahil hindi ito naging bukas sa iba.

“A lot of companies technically can’t comply, only 1 bidder had qualified, so hindi nama-maximize, sayang ‘yung pera ng bayan,” reklamo ni Dy na una nang kinuwestiyon ang patakaran ng BFP subalit wala itong nakuhang tugon sa tanggapan.

Sa panig ng Makabayan Bloc, iginiit nito na dahil limilitahan ng BFP ang mga bidders kaya ang nagong resulta ay mas mahal ang nabiling trucl.

“Only bidders with established connections with the exclusive distributors/assemblers of the Isuzu and Hino brands can participate in biddings, excluding in the process other quality brands that may possibly even be advantageous to the government and not as expensive as the favored ones, if only a genuine competitive bidding process is done,” nakasaad pa sa resolusyon ng Makabayan Bloc.

Nabatid na noong Disyembre 9 naisagawa ang bidding at nang hingan ng paliwanag ang BFP ay tumanggi itong magbigay ng komento. Gail Mendoza