Maayos na lagay ng panahon asahan ngayong araw – PAGASA

Maayos na lagay ng panahon asahan ngayong araw – PAGASA

October 17, 2021 @ 8:40 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Inaasahan makararanas ng maayos na panahon ang malaking bahagi ng bansa ngayong Linggo, Oktubre 17 ayon sa PAGASA.

Ayon kay PAGASA weather specialist Ana Clauren, ang easterlies o mainit na hangin mula sa Karagatang Pasipiko ang umiiral na weather system sa bansa na nagdadala ng mas maaliwalas na panahon.

Bagama’t generally fine weather umano ay hindi pa rin mawawala ang tsansa ng mahihina at kalat-kalat na pag-ulan lalo sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.

Wala naman inaasahang weather distubance o bagyo na papasok sa bansa sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw. RNT