MAAYOS NA PAMAMAHAGI NG EDUCATIONAL ASSISTANCE

MAAYOS NA PAMAMAHAGI NG EDUCATIONAL ASSISTANCE

August 31, 2022 @ 2:34 PM 4 weeks ago


MALAKI ang pagbabago sa pangalawang beses na pamimigay ng ‘educational assistance‚Äô ng Department of Social Welface and Development sa mga pobreng estudyante noong Sabado bunsod ng mga ipinatupad na sistematikong paraan ni Secretary Erwin Tulfo katuwang ang libo-libong kawani ng ahensya, ng Department of Interior and Local Government at Local Government Units.

Bagama’t hindi pa rin naiwasan ang mahabang pila sa payout centers ng mga mag-aaral at magulang ng mga batang naka-iskedyul na tumanggap ng ayudang aprubado ang online application.

Pansamantalang isinantabi ng kagawaran ang walk-in applicants upang maiwasan ang pagkumplan sa mahahabang linyang ugat ng reklamo ng mamamayang binibigyan ng tulong ng DSWD.

Malaking ginhawa sa mga pumipila ang tulong ng mga CSWDO, MSWDO at mga empleyado ng lokal na pamahalaang naging instrumento ng pangkalahatang katiwasayan at kaayusan nang pamamahagi ng Educational Assistance noong nakaraang sabado.

Naibsan ang init at pagod ng mga estudyante matapos humingi ng assistance si Tulfo sa LGUs, ipinagamit ng mga opisyal ang kanilang naglalakihang convention centers at coliseum.

Sa Camarines Sur, todo suporta si Governor Luigi Villafuerte matapos ipagamit bilang payout venue ang dambuhalang fully Air-conditioned na Pili Convention Center kung kaya hindi naramdaman ng mga kawani ng ahensya at mag-aaral ang pagod kahit umabot na ng halos alas 10:00 ng gabi ang pamamahagi rito.

Instant coffee at cup noodles ang ipinamigay ni Sorsogon Governor Edwin ‚ÄúBobby‚ÄĚ Hamor sa mga kliyenteng naghihintay sa lungsod kung saan mismong si DSWD Assistant Secretary for Luzon Maritess Maristela ang personal na nangasiwa sa distribusyon ng ayuda sa edukasyon habang naka-monitor sa pamamahagi sa buong Bikol si Undersecretary for Legaslative Liason Nina Taduran.

Batay sa datos, umabot sa 42,589 mga benepisyaryo ang natulungan ng ahensya noong Sabado kabilang ang 14,261 estudyante sa kolehiyo at 6,039 ay senior high samantalang 13,039 ay mula naman sa elementarya kung saan target ng DSWD na maayudahan ang 400,000 mag-aaral bago matapos ang buwan ng Setyembre sa inilaang P1.5 bilyon ayuda.

Ang matagumpay na pamimigay ng ayuda ay dahil sa pagpursige ni Tulfo at ng ilang libong kawani ng ahensyang walang kapagurang nagtatrabaho para matulungan ang mahihirap na estudyante.

Sila ‘yung mga tunay na bayaning totoong may malinis na puso para sa kapakanan ng sambayanan at hindi ang ilang opisyal na bumabanderang magaling ngunit bulok pala.