Maayos, tahimik na Halalan 2022 iniatas sa Westmincom units

Maayos, tahimik na Halalan 2022 iniatas sa Westmincom units

April 30, 2022 @ 4:30 PM 2 months ago


ZAMBOANGA CITY– Inatasan ang mga unit sa ilalim ng Western Mindanao Command (Westmincom) na siguruhin ang maayos at payapang pagsasagawa ng Halalan 2022 sa kanilang hurisdiksyon.

Sakop ng units sa ilalim ng Westmincom ang 1st, 11th, at 6th Infantry Divisions ng Army ang Zamboanga Peninsula, Lanao del Norte, bahagi ng Lanao del Sur, Central Mindanao, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi.

Sinabi ni Lt. Gen. Alfredo Rosario Jr., commander ng Westmincom, nitong Sabado na bumisita siya sa iba’t ibang field units ng command upang suriin ang sitwasyon sa mga lugar.

“We will provide security to the polling places, election officials and paraphernalia,” dagdag pa ni Rosario.

Samantala, pinaalalahanan niya ang mga commander ng field unitsna ipagpatuloy ang anilang tungkulin habang isinasagawa ang kanilang poll security duty. RNT/SA