Mababang budget sa Visayas Region inalmahan

Mababang budget sa Visayas Region inalmahan

August 29, 2022 @ 11:07 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Inalmahan ng isang mambabatas na supporter ni Pangulong Bongbong Marcos ang maliit na budget allocation sa Visayas partikular sa Region 6, 7 at 8.

Sinabi ni House Committee on Appropriations Vice Chairperson at Aklan Rep. Teodorico Haresco Jr ang Visayas ay may kapareho din voting population gaya ng Mindanao at noong nakaraamg eleksyon ay nanalo din si Pangulong Marcos sa Kabisayaan partikular sa kanyang probinsya subalit maliit ang matatanggap na pondo para sa rehiyon sa ilalim ng 2023 national budget.

Sa pagharap ng Development Budget Coordination Committee (DBCC), ang economic managers ni Pangulong Marcos, sa budget briefing sa Kamara kinuwestiyon ni Haresco kung bakit maliit ang budget  sa Visayas kumpara sa ibang rehiyon.

“I am respectfully questioning the economic and financial assumptions predicating the NEP. I would like to understand why Visayas has disproportionately been allocated a measly 8.3 percent of the regionalized budget or only P437.6 billion compared to other regional counterparts,”ani Haresco.

Ani Haresco sa P3.01 Trillion regionalized budget ay 8.3 percent ang para sa Region 6,7 at 8 kumpara sa  National Capital Region na nasa 18.8 percent, Luzon na nasa 18.1 percent at  Mindanao 11.9 percent.

Patutsada pa ni Haresco na nakatulong ng malaki ang Visayas para sa 31M votes na nakuha ni Pangulong Marcos noong nakaraang eleksyon.

Umaasa si Haresco na marerebyu ng economic managers partikular ng Department of Budget and Management (DBM) at National Economic and Development Authority (NEDA) ang 2023 budget ng rehiyon. Gail Mendoza