Mabagal na ayuda ng DOLE sa naapektuhan sa Boracay closure, sinita ng mga mambabatas

Mabagal na ayuda ng DOLE sa naapektuhan sa Boracay closure, sinita ng mga mambabatas

June 21, 2018 @ 2:11 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Dismayado ang ilang mambabatas sa mabagal na tulong na ibinibigay ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga apektadong manggagawa sa isla ng Boracay.

Sa pagdinig kahapon ng House Committee on Natural Resources, inamin Labor Assistant Secretary Joji Aragon na 5,800 pa lamang sa kabuuang 17,000 apektadong manggagawa ang kanilang nabigyan ng tulong.

At sa P450M na alokasyon para tulungan ang mga apektadong mangagawa ay P20M pa lamang ang naipamamahagi sa ilalim ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced (TUPAD), livelihood program at government internship.

Kinuwestiyon ni Negros Occidental Rep Albee Benitez kung ano ang nangyari sa libo-libong manggagawa na nag-apply para sa tulong ng pamahalaan.

Gayundin ang sintimyento ni LPG Partylist Rep. Arnel Ty kung bakit hindi agad ipalabas ang pondo para mas maraming matulungan.

Gitit ni Benitez, dapat tiyakin ng DOLE na mabigyan ng trabaho ang mga displaced workers.

Ipinaliwanag ni Aragon na bagamat P17,000 manggagawa ang nagpalista na papasok sa 6 na buwang employment program ng DOLE ay kakaunti lamang ang nag avail dahil ang iba ay umalis ng Boracay at sa ibang lugar nagtrabaho. (Gail Mendoza)