MABAGAL NA SOCIAL PENSION PAY-OUT

MABAGAL NA SOCIAL PENSION PAY-OUT

July 27, 2022 @ 1:33 PM 2 weeks ago


IPANAWAGAN natin kay Pareng Secretary Erwin Tulfo ng Department of Social Welfare and Development itong reklamo ng senior citizens lalo na yung mga bedridden sa Region 3.

Sabi nitong concerned SC mula sa Pampanga, hindi nila alam ang dahilan kung bakit napakabagal magpalabas ng pera ng DSWD sa Region 3 kaugnay sa social pension nila.

“Sobrang tagal ng payout nila sa aming matatanda na at ang ilan ay hindi na makabangon dahil sa karamdaman. Parang hindi na aabutin ng aming susunod na kaaraman ang pagpapalabas nila ng tulong pinansiyal sa mga kagaya ko,” ayon kay Aling Flora, na malapit na tumuntong ng 70 taong gulang.

Tulad ng panawagan ng SC mula sa Pampanga, ganito rin ang panawagan ng isang SC mula sa Barangay Antipona, Bocaue, Bulacan na nakikiusap at naninikluhod kay DSWD Sec. Tulfo na gumawa ng hakbang upang mapabilis ang pagpapalabas ng kanilang social pension payout.

“Sec. Tulfo, sa sobrang bagal bago lumabas ng benepisyong nakalaan sa aming mga senior, baka hindi na namin maipambili pa ng gamot pang-maintenance, pampers (diaper) at iba pang personal na pangangailangan,” ayon naman kay Lolo Benito.

Pakiusap pa ng SC na mula sa Region 3 na sana ay matulungan sila ni Tulfo na mapabilis ang pagpapalabas ng kanilang benepisyo lalo pa at si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na ang nakaupo sa pwesto.

PASUGALAN SA CAVITE

Kaliwa’t kanan ang operasyon ng ng iligal na pasugalan sa Binakayan, Kawit, Cavite ni Noime Gunzon kung saan ay pinoproteksyunan siya ng ilang mga pulis na walang ginawa kundi ang mangikil sa mga pasugalan habang nagpapatrolya.

PCol. Arnold Abad, PD ng Cavite Police, halos gabi-gabi ay nagpapatrulya ang mga pulis mo , hindi upang manghuli ng mga kriminal kundi ang mangotong sa mga iligal na pasugalan sa naturang lalawigan.
oOo

Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764,09266719269 o i-email sa [email protected] o [email protected]