MABAGAL SI CLARITA O MAKAKOMUNISTA

MABAGAL SI CLARITA O MAKAKOMUNISTA

September 26, 2022 @ 7:23 PM 2 months ago


NAGULANTANG ang karamihan lalo na yaong mga nangangasiwa ng seguridad ng bansa nang binalewala ng isang Manila Regional Trial Court ang petisyong naglalayong maideklarang mga terorista ang Communist Party of the Philippines at ang New People’s Army (CPP-NPA).

Umani ng sari-saring reaksiyon ang desisyon ng korte, at talagang nagulo ang tabakuhan, ika nga, at nagkumahog ang lahat ng involved sa seguridad ng bansa para ihayag ang kanilang panig

Samantalang ang dapat na magsalita, ang National Security Adviser na si Professor Clarita Carlos ay pakaang-kaang  lamang at tila di alam ang sasabihing panig.

At kahit nasa ilalim ng kanyang pamunuan ang National Task Force to End Local Communists Armed Conflict  na dati’y aktibo sa mga ganitong sitwasyon, ay tila nanahimik na rin dahil sa kakaantay sa instruction ni Carlos.

Lumalabas na parang umaasa na lang si Carlos sa Department of Justice at Office of the Solicitor General na siyang magsalita hinggil sa desisyon ng korte, sa halip na manindigan para sa kabuuan ang NTF-ELCAC.

Kumbaga hindi talaga niya alam ang nangyayari at ano ang gagawin. Lumalabas na matamlay at malamya na sa ngayon ang NTF-ELCAC at walang direksyon na tila sinasabotahe pa ni Professor Carlos.

In fact sa Senate hearing ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ay nais mai-institutionalize ang NTF-ELCAC, kinontra pa ni Carlos mismo ang panukala. Parang tanga lang. Nagbago lang ang isip niya noong nakatikim ng salita kay Sen. Bato.

Sabi ni Clarita, dahil siya ay iskolar pwede magbago ang ‘decision’ niya kaya binago niya nung marinig si Sen. Bato. Ibig sabihin, dumalo siya ng hearing na hindi binasa ang panulalang batas, kaya nasupalpal.

Grabe ang kapalpakan niya. Hindi gumagana ang main clusters ng NTF-ELCAC dahil minamicro-manage niya. Kawawa pa si General Manny Salamat na Executive Director ngayon ng task force dahil minamanduhan lang ni Carlos. Gustong pasiglahin muli ni Salamat ang NTF-ELCAC kaso itong si Carlosay  hindi alam ang ginagawa.

Hindi kaya dapat nang mapalitan na rin si Carlos?

Mas bagay sa posisyon si General Ricardo “Dick” de Leon dahil naninindigan ito laban sa mga komunistang-terorista, di gaya ni Carlos na mabagal nang kumilos ay parang nakakiling pa sa CPP-NPA-NDF.