MABAGAL SI CLARITA O MAKAKOMUNISTA?

MABAGAL SI CLARITA O MAKAKOMUNISTA?

September 26, 2022 @ 10:38 AM 2 months ago


NAGULANTANG ang karamihan lalo na yaong mga nangangasiwa ng seguridad ng bansa nang binalewala ng isang Manila Regional Trial Court ang petisyong naglalayong maideklarang mga terorista ang Communist Party of the Philippines and the the New People’s Army (CPP-NPA).

Umani ng sari-saring reaksiyon ang desisyon ng korte, at talagang nagulo ang tabakuhan, ika nga, at nagkumahog ang lahat ng involved sa seguridad ng bansa para ihayag ang kanilang panig.

Samantalang ang dapat na magsalita, ang National Security Adviser na si Professora Clarita Carlos ay pakaang-kaang pa lamang at tila di alam ang sasabihing panig.

At kahit nasa ilalim ng kanyang pamunuan ang National Task Force to End Local Communists Armed Conflict (NTF-ELCAC) na dati’y aktibo sa mga ganitong sistwasyon, ay tila nanahimik na rin dahil sa kakaantay sa instruction ni Clarita.

Lumalabas na parang umaasa na lang si Clarita sa Department of Justice at Office of the Solicitor General na siyang magsalita hinggil sa desisyon ng korte, sa halip na manindigan para sa kabuuan ang NTF-ELCAC. Kumbaga hindi talaga niya alam ang nangyayari at ano gagawin.

Lumalabas na matamlay at malamya na sa ngayon ang NTF-ELCAC at walang direksyon na tila sinasabotahe pa ni Professor Carlos.

In fact sa Senate hearing ni Senador Roland “Bato” dela Rosa, nais mai-institutionalize ang NTF-ELCAC ngunit kinontra pa ni Carlos mismo ang panukala.

Nagbago lang ang isip niya nung nakatikim ng salita kay Senator Bato.  Sabi ni Clarita, dahil sya ay iskolar pwede magbago ang decision niya kaya binago niya nu’ng marinig si Sen. Bato.

Ibig sabihin, um-attend siya ng hearing na hindi binasa ang panulalang batas, kaya nasupalpal. Grabe naman talaga.

Hindi gumagana ang main clusters ng NTF-ELCAC dahil minamicro-manage niya. Kawawa si General Manny Salamat na Executive Director ngayon ng task force dahil minamanduhan lang ni Carlos.

Gustong pasiglahin muli ni Salamat ang NTF-ELCACl, kaso itong si Clarita ang hindi alam ang ginagawa.

Hindi kaya dapat nang mapalitan na rin si Carlos? Mas bagay sa posisyon si General Dick de Leon dahil naninindigan ito laban sa mga komunistang-terorista, ‘di gaya ni Carlos na mabagal nang kumilos ay parang nakakiling pa sa CPP-NPA-NDF.