Mabigat na daloy ng trapiko asahan sa sunod na linggo sa ADB meet- MMDA

Mabigat na daloy ng trapiko asahan sa sunod na linggo sa ADB meet- MMDA

September 20, 2022 @ 2:25 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko na asahan na ang traffic disruptions sa major roads at minor streets sa susunod na linggo dahil sa 55th Asian Development Bank (ADB) Annual Meeting.

Inanunsyo ni MMDA acting chair Carlo Dimayuga III nitong Lunes na hindi bababa sa 300 delegado mula sa ADB member economies ang inaasahang dadalo sa event sa headquarters ng institusyon sa Ortigas Center, Mandaluyong City mula Sept. 26 to 30.

“No roads will be closed for the five-day meeting but motorists may expect traffic disruptions at the Ortigas area and other affected routes,” ani Dimayuga.

Inaasahan din ang traffic disruptions sa kahabaan ng Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) mula Magallanes hanggang Ortigas, Julia Vargas, ADB Avenue, San Miguel Avenue, Guadix Drive, Bank Drive, at Saint Francis Street.

“An ADB Special Lane along Saint Francis and Bank Drive will be set up to give way to the delegates’ convoy on Sept. 28 and 29,” sabi niya.

Sa EDSA, posibleng daanan ng convoy ng mga delegado ang inner lane o ang EDSA Busway mula Guadalupe hanggang Ortigas.

Upang tugunan ang inaasahang traffic disruptions, halos 500 MMDA personnel sa pangunguna ng mga miyembro ng Task Force Traffic Management ang ipakakalata sa ADB-dedicated routes para sa “seamless movement of delegates” from the airport to hotels, venues, and other engagement areas “at the least inconvenience to the general public.”

“MMDA traffic enforcers will be deployed along the route of the convoy transporting the delegates. MMDA Road Emergency Group, in coordination with the Office of the Civil Defense, Department of Health, Bureau of Fire Protection, will also be on standby to provide emergency assistance,” sabi pa ni Dimayuga.

Bukod dito, kokontrolin din ng traffic personnel mula sa Philippine National Police, Mandaluyong, at Pasig local government units, at ng security forces ng Ortigas Center ang trapiko sa kahabaan ng ADB routes.

Nitong Mayo 5, inaprubahan ng ADB Board of Governors ang 2021 financial statements at net income allocation sa una sa dalawang stages ng 55th annual meeting ng banko.

Hinati ang meeting sa dalawang stages dahil sa COVID-19 pandemic.

Ang  ADB, na itinalaga noong 1966 at pagmamay-ari ng 68 member economies, ay naglalayon na makamit ang “prosperous, inclusive, resilient, and sustainable” Asia Pacific region habang tinutugunan ang kahirapan. RNT/SA