Mabigat na trapiko sumalubong sa unang araw ng ECQ

Mabigat na trapiko sumalubong sa unang araw ng ECQ

March 29, 2021 @ 12:42 PM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Kabi-kabilang mabigat na daloy ng trapiko ang naranasan ng publiko dahil sa ikinasang mga checkpoint ng awtoridad sa pagpapatupad ng unang araw ng Enhanced Community Quarantine mula Marso 29 hanggang Abril 4.

Barado ang dalawang linya ng kalsada papunta sa Caloocan City at San Jose del Monte bandang alas 5:30 ng umaga.

Sa boundary naman ng Muntinlupa City at San Pedro, Laguna ay marami umanong mga motorista ang pinabalik sa kanilang mga tahanan.

Hinuli rin ang mga walang face mask, walang lisensya, at mga hindi APOR.

Maging ang mga naglalakad na indibidwal ay hinarang at sinusuri rin ang kanilang mga ID.

 

30 checkpoints naman ang itinayo sa Quezon City sa unang araw ng ECQ.

Hindi rin pinayagan ang mga hindi APOR na motoristang bumagtas sa boundary ng Quezon City at San Mateo, Rizal.

Mabigat na trapiko rin ang bumungad sa Marcos Highway sa boundary ng Marikina City at Rizal province.

 

Ang mga public transportation vehicles naman na bigong magpatupad ng one seat apart sa mga pasahero ay pinagdiskarga ng mga sakay.

Sa isang interbyu naman, inilarawan ni National Task Force Against COVID-19 spokesperson Restituto Padilla na mas maluwag ang ECQ ngayon kumpara noong isang taon.

Nasa 50% ng public transport kasi ang pinayagang makabyahe para masakyan ng mga essential worker. RNT


  •  
  •  
  •