Mabilis na pagkaubos ng COVID vax, mabilis na pagbabakuna ng LGU – Palasyo

Mabilis na pagkaubos ng COVID vax, mabilis na pagbabakuna ng LGU – Palasyo

July 8, 2021 @ 9:42 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Naniniwala ang Malakanyang na mabilis lang ang lokal na pamahalaan na magturok ng bakuna sa mga nagpapabakuna laban sa COVID-19 kaya’t mabilis na nauubusan ang mga ito ng suplay ng bakuna.

Nakarating kasi sa kaalaman ng Malakanyang ang ulat na paghinto ng ilang mga LGU para magbakuna bunsod ng pagkaubos na ng suplay.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na positibo ang kanilang pagtingin dito at hindi aniya talaga malayong maabot ang target na 500 thousand administered daily vaccination.

Nakapanghihinayang lamang aniya na sa kabila ng dumarami ang nais magpabakuna ay saka naman na- delay ang suplay ng bakuna.

Sa kabilang dako, tiniyak naman ni Sec. Roque na darating din naman ang bulto ng bakuna ngayong buwan at muling aarangkada ang pagbabakuna.

 “Well, unang-una po, ‘no. Iyong mga supplies na gusto ng Pilipino ay ang mga western brand, kaya nga po ang sinasabi natin, kung hindi nakinig ang mga Pilipino at magpaturok ng bakuna na naririyan na, eh hindi tayo makakapagbakuna ng mahigit 2 milyong tao na ngayon,” ayon kay Sec. Roque.

“Pangalawa po, let’s face it, na talagang ang pinakamalalaking manufacturers pa tin po ng ating bakuna ay ang mga western brands. Ganoon pa man, eh tayo po ay nagpapasalamat nga sa ating karatig bansa at kaibigan na Tsina na sa pagdating noong ating panahon na pangangailangan ay naririyan iyong kanilang bakuna. Lilinawin ko lang po, parating pa rin po ang Sinovac. Medyo naantala nga lang po, pero iyong same amount na inaasahan natin para sa July, ay parating pa rin po,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose