Mabilis na responde sa mga krimen, siniguro ng MPD

Mabilis na responde sa mga krimen, siniguro ng MPD

October 3, 2022 @ 12:43 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Bilang bahagi ng Seen Appreciated Felt at Extraordinary activities o SAFE ng pamunuan ng Manila Police District, ang buong puwersa nito ay agad na tutugon sa panahon sa oras na makatanggap sila ng saklolo.

Ito ang tiniyak ni MPD Director Brig/Gen. Andre Dizon lalo na ngayong panahon na naman ng Kapaskuhan kung saan maaring manamantala ang mga kawatan.

Sinabi ni Dizon na lima hanggang pitong minuto lamang ang kailangan antayin ng mga nag papasaklolo sa MPD para makaresponde ang kanyang mga tauhan.

Tiniyak din ni Dizon na tuloy-tuloy ang ginagawang pagpapatrolya ng kanyang kapulisan sa lungsod umaga man o gabi upang mapigilan ang plano ng mga masasamang loob. Jocelyn Tabangcura-Domenden