MABISA SA SIPON AT SA PANGANGATI NG LALAMUNAN

MABISA SA SIPON AT SA PANGANGATI NG LALAMUNAN

January 17, 2023 @ 1:09 PM 2 weeks ago


Sa hirap ngayon ng buhay, ang pagkakasakit ay isang napakabigat na dalahin na tunay na pag di naagapan ay naka aapekto ng malaki sa “budget” lalo na sa mahihirap na pamilya. Sakaling, magkaroon kayo ng mga karaniwang karamdaman, magpakonsulta sa mga rural health center para maresetahan ng tamang gamut.

Pansamantala, maaaring subukan din ang mga sumusunod kahit pa sabihing mga panangkap o panimpla lamang sa mga lutuin sa kusina:

     1. Bawang – Kung wala pa at kayo’y magkaka sipon pa lamang, subukan ang maitutulong sa inyo ng bawang. Lumabas sa pagsusuri at matagal na ng karanasan ng mga dalubhasa na ang mga indibidwal na kumokonsumo ng clove ng bawang sa isang araw ay malayo sa anumang karamdaman ng hanggang 60% kumpara sa ibang mga di mahilig kumain nito. Napatunayan rin na mas malayo o naka distansiyang magkaroon ng sipon ang mga taong mahilig kumain ng bawang kaysa sa mga ayaw nito. Sinasabing ang bawang ay tigib sa mga mahahalagang “compounds” na kumikitil at ganap na pumupuksa sa mga virus. Wala ng gagaling pa sa pagkonsumo ng hiniwang hilaw na bawang kada kakain. Maari itong ibudbod sa salad o toasted bread o di kaya naman ay palagiang gamitin ito sa paggigisa o lagyan ang anumang kakainin na maaring paggamitan nito. Halimbawa ay ang mga sawsawang kamatis na hinaluan ng mangga at sibuyas na maaring dagdagan ng ginayat na bawang. Maaaring gamitin ang bawang (bunga) sa pangangati ng lalamunan. Magbalat ng 1 butil at nguyain ito nang dahan-dahan at lunukin ang katas.

     2. Luya  – napakarami nitong “anti viral compounds” na particular na sumusugpo at tunay na pamatay sa tinatawag na “rhinovirus”, na isang ordinaryong uri ng sipon. Sa tulong ng luya bumubuti ang sirkulasyon na nakababawas sa panginginig ng ating katawan. Sa mga nais na “mag reduce” o magpababa ng timbang. Sinasabi rin na kung gustong umanrangkada ang inyong metabolismo, aba’y kumain ng maraming luya. Maaaring gamitin ang luya (laman) sa pangangati at pananakit ng lalamunan. Hugasan at balatan ang maliit na piraso ng luya. Nguyain ng ilang minuto at lunukin ang katas.

   3. Sibuyas – likas na anti oxcidant at sumasala sa lahat ng uri ng toxin ang sibuyas. Napatunayan sa mga isinagawang pag-aaral na mas malusog at humahaba ang buhay ng mga taong palakain ng sibuyas. Ipinapayo rin na kung maari ay hilaw na kainin ito. Sa pagluluto kasi, marami ng mga “properties” ang sibuyas na nawawala.

 4. Peppermint – epektibong nakapagbaba ng “nasal inflammation” at nakapagpaparelax rin sa daanan ng hangin sa loob ng katawan. Ang mga taong lumalanghap ng menthol na isang component ng peppermint ay nakakaiwas sa “nasal congestion” kaysa duon sa mga di. Bukod dito, nabatid rin na mahusay at napakalaking bagay sa kalusugan ang paghigop ng “peppermint tea” pati na ang paglanghap ng usok nito. Ipinapayo rin ang paglalagay ng ilang patak ng peppermint oil sa sariling unan.