Mabuhay Lane pananatilihing “obstruction-free” ng MMDA, DILG

Mabuhay Lane pananatilihing “obstruction-free” ng MMDA, DILG

January 16, 2023 @ 3:49 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Pananatilihin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sa pakikipagtulungan sa Department of the Interior and Local Government (DILG), ang pagsasagawa ng “clearing operation” na sakop ng “Mabuhay Lanes” sa buong Kalakhang Maynila laban sa mga obstruction.

Ito ang ipinangako ng pamunuan ng MMDA kung saan katuwang nito ang DILG, National Capital Region Police Office, at mga local government units, kasabay ng isinagawang ceremonial send-off na ginanap sa Baclaran, Pasay City, na pinangunahan ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes kung saan sinabi nito na magtatalaga ang ahensya ng tatlong team para linisin ang Mabuhay Lanes na nagsisilbing alternatibong ruta ng mga motorista.

Aniya, ang regular na operasyon at tuluyang turnover ng cleared area sa barangay captain nito ay bahagi ng memorandum of agreement sa pagitan ng ahensya at DILG para mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng mga kalsada.

“We shall have no let-up in clearing the Mabuhay Lanes of different kinds of obstructions. That is a proof that the government is serious in making our key routes accessible,” ani Artes.

“Everytime the MMDA, DILG, and the police force conduct clearing, it will be turned over to the barangay captain in charge of the area. Those who will fail to maintain its cleanliness and orderliness could be charged with an administrative case,” babala pa ni Artes.

Sinabi ni DILG Undersecretary for Barangay Affairs Felicito Valmocina na mayroon na ngayong monitoring team ang kanilang tanggapan na makikipag-coordinate sa DILG-NCR para matiyak na malinis at walang mga obstruction ang Mabuhay Lanes.

“We will be employing new approaches to ensure commitment and prioritization of obstruction-free Mabuhay Lanes. It is high time for our LGUs, especially our barangay heads, to act and sustain our clearing efforts,” ani Valmocina.

Sinabi rin ni Artes na hihingin ng MMDA ang suporta ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. hinggil sa planong makapagtayo ng permanenteng lugar para sa mga vendor sa Baclaran upang mabigyan sila ng espasyo sa pagtitinda at hindi na sila pupwesto sa kalsada. JAY Reyes