Mabuhay Miles ng PAL, apektado rin ng data breach

Mabuhay Miles ng PAL, apektado rin ng data breach

September 12, 2022 @ 1:37 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Philippine Airlines na naging target ng cyberattack ang mga personal na datos ng mga miyembro ng kanilang Mabuhay Miles.

Sa isang statement, sinabi ng PAL na ang kanilang third-party IT provider na Accelya ang naapektuhan ng di-umano ay isang ‘cybersecurity incident.’

Kabilang sa mga nakompromisong impormasyon ay ang pangalan, kaarawan, nasyonalidad, kasarian, petsa ng pagsali, tier level at points balance ng mga customer.

Sa kabila nito, siniguro naman ng PAL na ang mga ito ay limitadong impormasyon lamang ng mga customer na naging Mabuhay Miles members noong 2015-2017.

Naipaabot na sa mga otoridad ang nangyaring insidente at inaabisuhan ang mga apektadong kliyente na magpalit agad ng password.

“PAL is closely coordinating with Accelya who confirmed to us that the incident has been contained. We urged Accelya to fortify security measures to ensure that there can be no recurrence,” paniniguro ni Alvin Limqueco, senior vice president at data protection officer ng PAL.

“Safeguarding the data of our customers and frequent flyer members has always been a top priority of Philippine Airlines. We will do what is necessary to protect this information, in line with our strict safety culture that applies to all our flights and every aspect of our operations,” dagdag pa niya. RNT/JGC