Mabuhay nang may COVID-19 sanayin na – Concepcion

Mabuhay nang may COVID-19 sanayin na – Concepcion

January 30, 2022 @ 11:06 AM 8 months ago


MANILA, Philippiens – Maaari nang ibaba sa Alert Level 2 ang COVID-19 alert level sa National Capital Region (NCR) bunsod na rin ng pagbaba ng infections.

Ginamit ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang OCTA Research na nagsasabing ang COVID-19 reproduction number sa NCR ay pumalo na lamang sa 0.50,.

Dahil dito, dapat nang simulan ng bansa ang pagbuhay sa ekonomiya.

“We don’t want our economy to get COVID and we have to revive the economy. And the only way to do that is to start to realize that COVID-19 is here and it may stay. We will have a rise in infections, it will go down, but we have to live with that. There’s no other choice,” ayon kay Concepcion.

“Ang nakita natin sa projection ng OCTA Research bandang first week of February, second week of February mas baba ang kaso dito sa NCR. At sa ibang lugar, hinihiling namin dito sa NCR dapat ibaba na sa Alert Level 2,” dagdag na pahayag nito.

Sa ilalim ng Alert Level 2:

1. Ipapatupad ang Intrazonal at interzonal na pagbiyahe pero hindi na ganoon kahigpit tulad ng ipinatutupad sa mas mataas na alert levels.

2. Papayagan na rin ang pag-ehersisyo sa labas ng tahanan para sa lahat ng edad, may comorbidities man o hindi pa nababakunahan kontra COVID-19.

3. Papayagan na rin sa 50% ang indoor capacity sa mga establisyemento (kabilang ang mga menor-de-edad kahit hindi pa nababakunahan) at 70% naman sa outdoor areas.

4. Maaari na ring magsagawa ng meetings, conferences at exhibitions maging ang social events tulad ng parties, wedding receptions, engagement parties, wedding anniversaries, debut, birthday parties, family reunions, at bridal o baby showers;

5. Papayagan na rin ang mga bisita sa tourist attractions, Recreational venues, maging ang pagsasagawa ng limited face-to-face o in-person classes

6. Hindi naman katulad ng Alert Level 3, papayagan na ang Film, music, at television production alinsunod sa direktiba ng gobyerno maging ang gathering ng mga hindi nakatira sa iisang bahay.

Ang mga aktibidad naman na hindi pa rin papayagan sa ilalim ng Alert Level 2 ay ang casinos, horse racing, cockfighting, lottery betting shops at iba pang gaming establishments maliban na lamang kung inaprubahan ng IATF o ng Office of the President.

Samantala, sinabi ni Concepcion na ang “de-escalation” ng alert levels sa ibang lugar ay depende sa percentage ng vaccination rate.

“Dito sa ibang lugar sa Visayas at Mindanao it will depend on the percentage of vaccination rate kasi sa NCR over 90% [or] 100% na tayo dito so Alert Level 2 is justifiable in NCR,” anito. Kris Jose