Macalintal sa BSKE postponement: Barangay officials naging legislative appointees na

Macalintal sa BSKE postponement: Barangay officials naging legislative appointees na

October 22, 2022 @ 8:39 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Inihayag ni election lawyer Romulo Macalintal sa Korte Suprema nitong Biyernes, Oktubre 21 na sa pagpapaliban ng barangay elections, tila ginagawang legislative appointees na ng Kongreso ang mga opisyal ng barangay.

“Therefore, when Congress postpones the barangay elections with the corresponding extension of the term of office of the barangay officials by having them remain in office in a holdover capacity, it is actually making legislative appointments of these barangay officials,” sinabi ni Macalintal kasabay ng oral arguments sa kanyang petisyong kumukwestyon sa constitutionality ng Republic Act 11935, o ang batas na magpapaliban sa barangay elections mula Disyembre 2022 patungong Oktubre 2023.

Dagdag pa niya, sa ganitong pangyayari ay hindi na magiging representative ng mga tao ang opisyal kundi magiging “representative of the Congress” na.

Maliban dito, idiniin din ni Macalintal na tanging ang Commission on Elections lamang ang nakasasakop sa pagpapaliban ng eleksyon samantala ang Kongreso naman ang may kapangyarihan na ayusin ang termino ng mga barangay officials at hindi para pahabain ito.

Kung aamyendahan din ng Kongreso ang batas, dapat ay proactive ito sa halip na retroactive, nangangahulugan na hindi dapat ito makaaapekto sa mga nakaupong opisyal.

Sinalag naman ni Solicitor General Menardo Guevarra si Macalintal at sinabing kasama sa legislative power ng Kongreso ang pagpapaliban ng eleksyon ng mga barangay officials.

“The validity of the postponement of the barangay elections cannot be challenged on the ground that it will result in the retroactive lengthening of the term of incumbent barangay officials or that it amounts to legislative appointments,” paliwanag ni Guevarra.

“To repeat, the power of Congress to postpone barangay elections is but part of the plenary power to legislate. The constitution did not impose upon Congress the limitation that it may exercise this power only once. It could not. To hold otherwise will give Congress… the power of an irrepealable law,” dagdag niya.

Samantala, humirit si Macalintal na ang pagpapaliban sa eleksyon ay tila ba may kinalaman sa isang “political promise.”

“And what is that promise? Pinangangako ko po sa inyo kapag nanalo ako ganito ang inyong termino ay ma-extend. Papaano? I-po-postpone natin ang election. That’s the reason why this barangay election was postponed,” aniya.

“I don’t think the postponement was due to the pandemic, because we held a national election at the height of the pandemic. Ngayon nga medyo maluwag na. Ngayon pa tayo hindi mag ho-hold ng barangay election,” dagdag ng election lawyer. RNT/JGC