Macalintal sa SC: Comelec pakilusin na para sa BSKE sa Mayo 2023

Macalintal sa SC: Comelec pakilusin na para sa BSKE sa Mayo 2023

November 15, 2022 @ 2:13 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Hiniling ng election lawyer na si Romulo Macalintal sa Supreme Court (SC) na atasan ang Commission on Elections (Comelec) na maghanda na para sa idaraos na barangay at SK elections sa May 2023.

Sa inihaing urgent motion, ginamit ni Macalintal ang isinumiteng manifestation ng Comelec na sa Mayo 2023 ang pinakamaagang petsa upang idaos ang BSKE bunsod ng batas na nagpapaliban ng eleksyon itong Disyembre.

Nakasaad sa mosyon ni Macalintal na upang hindi na mabinbin ang pagdinig sa kaso, kinikilala na nito ang pahayag ng Comelec at hindi na kukuwestyunin.

Gayunman, kailangan na aniyang pakilusin ng SC ang Comelec para maghanda na sa May elections.

Kung tutuusin aniya ay nakagastos na ng P1 bilyon ang poll body bilang paghahanda sa eleksyon.

Una nang hiniling ni Macalintal sa SC na mag isyu ng Temporary Restraining Order o Status Quo Ante Order kaugnay sa batas na nagpapaliban sa BSKE sa December 5 at isagawa itong sa October 2023. Teresa Tavares