Mactan-Cebu International Airport flights balik-normal na

Mactan-Cebu International Airport flights balik-normal na

October 25, 2022 @ 9:46 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Magandang balita dahil lahat ng mga flights papunta at mula sa Mactan-Cebu International Airport ay balik sa normal na operasyon na ngayong Martes.

Pinayuhan ng mga awtoridad sa paliparan ang mga pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang mga airline sa katayuan ng kanilang mga flight bago tumuloy sa paliparan.

Matatandaang dose-dosenang mga flight ang nasuspinde o na-divert noong Lunes matapos lumampas ang isang Korean Air plane  sa runway Linggo ng gabi.

Walo sa 162 na pasahero ang nagtamo ng minor injuries sa insidente, habang ligtas naman ang 11 tripulante. RNT