Madaling itanim: Bitay sa mahuhuling 50g droga ni Gamboa, kinastigo ni Sotto

Madaling itanim: Bitay sa mahuhuling 50g droga ni Gamboa, kinastigo ni Sotto

July 29, 2020 @ 7:34 PM 5 days ago

Share

Manila, Philippines – Binatikos ni Senate President Vicente Sotto III ang pagpabor ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen Archie Gamboa na bitayin ang sinomang mahuhulihan ng 50 gramo ng iligal na droga.

Sa pahayag, sinabi ni Sotto na high-profile drug lord lamang ang puwedeng bitayin sa panukalang pagbabalik ng death penalty.

Naunang sinabi ni Gamboa na payag siyang bitayin ang mahuhulihan ng 50 gramo hanggang isang kilong droga.

“I will insist on only high level drug trafficking for the Death Penalty!” ani Sotto sa isang tweet.

“50 grams is easy to plant! My bill says ‘high-level drug trafficking only’… Take it or leave it!” ayon kay Sotto

Sa ilalim ng  Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, parusang habambuhay na pagkakakulong ang ipinapataw sa nagkasala sa droga kabilang ang multang P500,000 hanggang P1 milyon sinuman ang mahulihan ng mga sumusunod na droga:

10 grams or more of opium;

10 grams or more of morphine;

10 grams or more of heroin;

10 grams or more of cocaine or cocaine hydrochloride;

50 grams or more of methamphetamine hydrochloride or “shabu”;

10 grams or more of marijuana resin or marijuana resin oil;

500 grams or more of marijuana

Sinabi ni Sotto na magkakaroon ng tiyansang maipasa sa Senado ang pagbabalik ng death penalty sa pamamagitan ng lethal injection kung lilimitahan lamang ito sa high-level drug traffickers

Aniya, marami nang mambabatas ang nakipagdebate laban sa pagbabalik ng death penalty dahil isa itong “anti-poor” legislation.

“They are correct,” ani Sotto. “Pero kung high-level drug trafficking, makakapasa dahil wala namang mahirap na drug lord,” aniya sa interview.

 Nilusaw ang death penalty sa panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2007.

Kamakailan, hiniling ni Pangulong Duterte sa Kongreso na kaagad ipasa ang pagbabalik ng death penalty sa pamamagitan ng lethal injection sa kanyang State of the Nation Address (SONA). Ernie Reyes

Share

Comments (5)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Loading...