Madam Inutz at Chie, nagkasumbatan!

Madam Inutz at Chie, nagkasumbatan!

January 2, 2022 @ 11:39 AM 7 months ago


Quezon City, Philippines – Nagkita nu’ng December 31 ang dating mag-housemate sa Bahay ni Kuya na sina Chie Filomeno at Madam Inutz. At ‘di pinalusot ni Chie ang pagkakataon na ‘yon para kumprontahin ang housemate n’ya sa  “Pinoy Big Brother” na isa sa mga bumoto na mapalayas siya – – na siya ngang naganap.

Napatalsik sa bahay ni Kuya si Chie nu’ng November 20. At kaya siya ibinoto ni Madam Inutz na palayasin dahil wala naman daw naiaambag si Chie sa loob kundi ganda lang.

Panunurot ni Chie kay Madam nu’ng “Final Tell All” episode ng reality show: “Madam, magkasama tayo araw-araw. Gusto ko lang malaman, bakit nasabi mo na puro ganda lang ang ambag ko sa bahay ni Kuya? Alam natin that I gave my all sa mga tasks.”

Walang pag-aalinlangang sagot naman ni Madam: “Sa ganda, kaseksihan, kumbaga lahat ng magiging offer sa labas ng Bahay ni Kuya ay nasa iyo na kaya sinabi ko si Chie. Alam ko na ganda lang ang ambag niya at alam kong magiging maganda ang buhay niya sa labas.”

Pero inamin din naman ni Madam na siya man ay na-shock na ganu’n ang nasabi n’ya tungkol kay Chie. Pagtatapat n’ya: “Siyempre, wala na akong masabi. Kumbaga, kung nasa loob tayo ng confession [room], minsan nawawala tayo sa sarili.”

At nagmistulang psychic si Madam Inutz–dahil nagkatotoo ang sinabi n’ya. Alam na natin ngayon na naging Calendar Girl si Chie ng isang alak, naging judge sa “It’s Showtime” segment na “Showtime Sexy Babe,” at nagkaroon ng maraming showbiz commitments.

Ngayong gabi na, January 2, ia-announce ang dalawang winners mula sa limang nasa loob pa ng Bahay ni Kuya. Bukod kay Madam Inutz, ‘andun pa rin sina Anji Salvacion, Samantha Bernardo, Brenda Mage, at Alyssa Valdez. Danny Vibas