Madam Inutz, may pasiklab sa mga Marites!

Madam Inutz, may pasiklab sa mga Marites!

January 27, 2022 @ 2:00 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Ayaw talagang magpa-awar ng online sensation at sikat na online seller na si Madam Inutz.

Aba, pagkatapos mag-hit at mag-number 1 sa song request sa mga radio stations ang kanyang first single na Inutil ay meron na nang follow-up song si Madam entitled ‘Marites’.

Pagkalabas ni Madam Inutz sa Bahay ni Kuya at bumalik sa outside world ay tinutukan agad niya ang kanyang ‘Marites,’ na auon na rin sa kanya ay handog niya sa mga Marites ng bayan o sa mga tsismosa.

As of press time ay inilabas na sa socmed ang Marites ni Madam Inutz na umaani ng sandamakmak na views and positive comments.

The other day naman ay nag-shoot si Inutz ng music video para sa kanyang latest single kung saan ay nagkaroon pa ng cameo role ang kasamahan niya sa Bahay ni Kuya na si Bren Damage.

Very proud naman kay Madam Inutz ang equally popular niyang talent manager na si KaFreshness Wilbert Tolentino dahil kahit na sunod sunod na blessings ang dumarating sa kanyang alaga ay nananatili pa rin itong humble at nakaapak pa rin ang mga paa sa lupa.

Goodluck Madam Inutz and KaFreshness Wilbert. JP Ignacio