Madam Inutz nangamba sa pagtanggal ng live FB shopping!

Madam Inutz nangamba sa pagtanggal ng live FB shopping!

August 12, 2022 @ 10:00 AM 2 months ago


Manila, Philippines β€” May announcement na ang Meta Platforms Inc. o ang Meta, ang parent company ng social media giant na Facebook, na ipagbabawal na ang live shopping feature sa nasabing platform simula October 1.

Ibig sabihin, ang mga business owners sa Facebook ay hindi na puwedeng mag-create ng product playlists o tag products sa live streams.

“Beginning on October 1, 2022, you will no longer be able to host any new or scheduled Live Shopping events on Facebook. You will still be able to use Facebook Live to broadcast live events, but you won’t be able to create product playlists or tag products in your Facebook Live videos,” sabi pa ng company sa isang statement.

Pag-explain pa ng Meta, puwede pa namang magbenta ang mga retailers sa Facebook at Instagram, “but through Reels, its short-form video product, as the company claimed the viewing behaviors of consumers are shifting to short-form videos.”

During the pandemic, osa sa mga Pinoy na humataw sa live selling ay si Madam Inutz. Dahil sa kanyang kakaibang klase ng pagbebenta ay naging effective siyang online seller, sumikat at napasama pa sa Pinoy Big Brother, na ngayon ay meron nang sitcom kasama si Piolo Pascual.

“Maraming kawawa ‘pag natanggal ang live selling sa Faceboon sa October. Sana ‘wag na lang ituloy.

“Kawawa kasi talaga especially ‘yung mga single mom na tulad ko at ‘yung mga may edad na, na sa live selling na lang umaasa.

“Sana magbago pa isip ng mga namamahala sa Facebook,” sabi pa ni Madam Inutz. Joey Sarmiento